top of page
Search

Pabahay target ng gobyerno tinapyasan


Upang masigurong magtagumpay ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH), inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensiyang nakatutok sa programa na i-adjust ang housing targets batay sa pangangailangan at demand hanggang 2028.


Ito ang inihayag ng Pangulo matapos ang ipinatawag na sectoral meeting sa Malacañang.


Ayon sa Pangulo, ang pag-adjust sa target ay upang ma-assess ang kakayahan ng gobyerno na magbigay ng garantiya at interest subsidies sa mga programang panlipunan.


“To ensure that the Pambansang Panahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program is successful and sustainable, I have directed the concerned agencies to adjust housing targets based on need and demand until 2028,” anang Pangulo.


Matatandaang sa pag-upo ng Pangulo noong 2022 ay nagtakda ito ng target na isang mil­yong housing units kada taon dahil malaki aniya ang backlog sa pabahay ng gobyerno. (Aileen Taliping)


Comments


Commenting has been turned off.
bottom of page